Saturday, January 31, 2009

death of the author

marami akong gustong i-blog. mga personal na sikretong nais kong ibahagi sa buong blog universe, mga bagay na hinding hindi ko sasabihin kaninuman.

marami nga namang solusyon dito.
maaaring palitan ang mga pangalan ng mga katauhan sa kwento, pwedeng ibahin ang ilang mga detalye upang di masyadong halata.

at ikabit ang tatak na "non-fiction".

tulad ng marami (o baka ako lang), gusto ko ng confirmation na Oo, magaling nga ako magsulat, na may kakayahan din akong maging manunulat. pero ewan, ewan ko ba.

(pakiramdam ko naging meme na ang "pero ewan, ewan ko ba".)

gusto ko makapagsulat ng malaya, para hindi nakakabit sa katauhan ko ang aking mga pinagsusulat.

may kilala na akong gumawa/gumagawa ng blog na para sa ganun.

at baka sumunod na ako.

pero ewan, ewan ko ba.

No comments: