Noon, hanggang ngayon, madalas, napagsasabihan ako ng mga linyang "magbihis ka muna!" o kaya'y "wala ka bang balak magdamit?".
Kasi naman, ayaw na ayaw ng aking ama na di kami magbihis (di ko alam bakit) agad pag galing kami sa kung anumang lakad. ang gusto niya, (sa tingin ko) ay magpalit agad kami ng pambahay pagkauwi.
Pero di ako ganun. Minsan ay inaabot ako ng umaga nang nakajeans o slacks (ah, highschool) pa. Di ko na maibilang ang mga pagkakataong nagising ako ng umagang suot pa ang mga damit pang-gala.
Isa pa, madalas ko ding nagagawang makipagkwentuhan, manood ng tv, gumamit ng PC at kung anu-ano pa kahit katatapos ko lang maligo. Kadalasan basa pa't tumutulo ang tubig mula sa buhok, nagagawa kong umupo lang nang ilang oras, at oo, di pa ako nagbibihis nun. At oo, tumatagal akong nakaganun lang. Nakakatapos na ako ng ilang dvd, at minsan nakakabasa ng buong libro, nang nakatuwalya lang.
Di ko alam bakit. Wala naman akong nakikitang masama dun. Maliban siguro sa mga nabasang sopa at mga naoffend na tao. Pero, di naman ata nakakaoffend yun. Sana.
Di ko alam anong espesyal na mapapala kapag nagbihis ng pambahay, kung may bahay-powers ba akong makukuha pag suot ko yun. Di ko talaga alam.
Ayoko lang talaga magbihis. O, mas maigi,
di pa naman kailangan.
Sa pagnood ng tv, sa pakipagusap, di naman kailangang magpalit para magawa ang mga yun. Di naman kailangang magbago dahil yun ang nakasanayan.
Kung kaya mo din namang mabuhay, makagalaw ng maayos, at maging masaya nang ganun ka pa rin naman, bakit hindi?
Hindi ba dapat, nasa sa iyo naman yun, kung kelan gusto mo nang magbago?
Di naman kailangang magbago para maging katanggap-tanggap. Katulad ng mga tatak na pilit dinadamit sa atin ng society. Dahil, oo nga naman, kung komportable ka naman sa kasalukuyang lagay mo, bakit.
Bakit ka pa magpapatatak.
Bakit pa kailangang may magbago.
*************************************
at, oo. hindi ito tungkol sa mga damit at tuwalya. :)
Wednesday, October 1, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment