Thursday, October 2, 2008

talino, henyo, et al.

dahil laging may excuse na 'tamad lang ako'.

ika nga ng di ko kilalang nag-usap sa tabi ko habang nag-aabang ako ng Pantranco jeep, ang talino ay t = (time spent studying/exam grade) x (number of distractions)

ang formula ay maaaring magbago depende sa pagdenote ng "time (and/or quality) of studying" at minsan kailangan pang i-square ang number of distractions, depende sa distractions.

dahil nga naman.
laging pwedeng sabihin sa loob-looban na Oo, matalino ako, tamad lang.
At oo nga naman, di naman talaga tunay na batayan ng katalinuhan ang anumang exam. At tama din naman, di lahat ng mataas ang mga grado, tunay na magaling.

"Matiyaga lang."

excuses.

madali nga naman kasing iwasan ang dapat na tinatanong sa sarili.
"matalino nga ba ako?"
madaling gawan ng dahilan, na wala namang tunay na batayan ng talino, at maaari ngang sabihin na societal impositions (salita nga ba ito?) lang ang madaling natatanaw kung talino nga ang pinaguusapan.

pero hindi. hindi ko alam.
kadalasa'y ayokong isipin na may mga limitasyon ako. na dinidikta ng aking mga genes ang aking hangganan at kapalaran. gusto kong isipin na taglay ko ang kapangyarihang maging magaling sa lahat ng bagay, kung magtitiyaga lang ako.
pero dahil dito, bumubuo ito nga isang pesteng cycle, na punung-puno ng "di pa ako nag-aaral niyan ah" at "di naman kasi ako nag-aral."

dahil takot kang mapatunayang di ka nga talaga matalino kahit nag-aral ka nga.
parang ganun.

***************

pikit. kasabay ng balisang buntong-hininga.
palakpak.

No comments: