Saturday, March 28, 2009

Alam mo yun?

Alam mo yun? Alam mo yung di talaga gumagana utak mo?

Yung tipong nacoconfuse ka kung tama nga ba na double "L" ang Philippines?

Yung tipong napapaisip ka kung nakaligo ka na ba sa araw na yun?

Alam mo yun?

Yung sabog, yung wala sa ayos.

Yung, lutang.

Hindi dahil sa pagod. Hindi. Matagal ka naman nakapagpahinga. Mabigat lang talaga mata mo.
O baka, tinatamad ka lang. Pero, alam mo yun. Yung ganun.

Nalilito ka bakit may hawak kang bolpen eh nasa banyo ka.

Kakasend mo lang ng message sa taong mahal mo, saulo mo pa ang message. Saulo mo kung ilang ".." ang nilagay mo, Kung saan mo nilagay yung smiley para saktong ma-reflect ang nararamdaman mo. Tama lang ang bilang ng "Hmm.." na nalagay mo. Alam mo yun, saulo mo, Pero di mo maalala saan mo nalapag pagkatapos mo isend.

Yung nagpopost ka ng blog para ganahan ka na magtype ng papel.

Yung, alam mo yun? Ang mga iba mong kakilala wala nang ginagawa, naglalaro nalang. Tapos ikaw. Alam mo yun?

Yung, walang gana.

Premature sembreak-itis kumbaga.

Alam mo yun?

No comments: