Friday, July 4, 2008

dahil alam kong walang makakaintindi.

sa dinami-dami ng maaaring sabihin sa pahinang ito.
sa dinami-dami ng maaari kong makilala.

bakit ganun.

dahil alam kong walang makakaintindi.

sa pagkaripas ng bus, sa paglisan mula sa kalawakan ng aking panaginip.

dahil hindi ko alam ano na nga ba.

sa pagpares ng tadhana. sa pagtingin ng diretso. sa pag-unawa.
pag-unawang matindi.

sa pagpatak ng ikatlong taon. sa pagpili ng landas na tatahakin. sa paglunok ng kayabangan. sa hawak na inaasam.

lakarin natin ang puting kaputian ng aking kalawakan, hawakan mo ang aking kamay, at pakinggan natin ang kawalan. sa muling pagpatak ng mga luha sa aking balat, sagutin mo naman ang aking tanong. may dadaan na paru-paro, at sasakalin ko ito. hanggang matapik mo ako't muli tayong magtagpo. ngitian mo ako, sige na. dahil di ako marunong kumanta, sisipol ako, dahil alam mo na anong ibig sabihin nun. hawakan mo ang aking kamay, at gisingin mo ako.

sa kawalan. sa kawalan.
sa tanyag na bintang ng aking pag-aaya. kung may ibig mang sabihin yun.

dahil ngayong gabi, maisusulat ko ang mga pinakamalungkot na taludtod.

No comments: