hindi. hindi yan ang topic ko.
madaling patamaan ang mga emo (pinoy ha.) kayat nakakatamad na pagtripan pa.
ang gusto ko talakayin ngayon ang pilipinas.
bakit ganun.
pakiramdam ko ilang taon nalang aabot na sa 100 ang gasolina.
sa singkwenta ang bigas.
sa bente ang pamasahe.
sa bente ang extra rice.
kapag nangyari yun, tatalon ako sa tuktok ng building na mataas-taas ang tuktok at magiging simbolo ng pilipinong mangmang na namulat sa kahirapan.
joke lang.
ewan ko.
marami akong pangarap noong elementarya palang ako. noong hayskul.
nakapulupot sa aking ideal na ako'y mananatili sa pilipinas, bilang mabuting manggagawa.
ako'y maglilingkod sa sambayanan ng buong puso, maiaangat rin naman ang ating ekonomya.
pesteng mga pangarap.
nahihirapan lang akong masikmura ang kahirapan ng bansa natin ngayon.
tinanggap ko na tumaas ang buwis ng matindi.
malay ko ba kasi gaano kataas talaga yun.
lumakas ang piso. yey. sabi ko, ayos.
cool.
yeah. right.
ngunit may krisis sa bigas, may krisis sa pera, at basta.
marami pa.
peste.
sa dami ng problema ng ating bansa, sa laganap na korupsyon. sa nakakaputakteng mga burgis na humahawak sa ekonomya ng bansa, sa komersiyalismong naninira ng hanapbuhay ng magsasaka, sa mga mabibigat na bulsa, dahil sa pesteng wagayway festival (pondo para sa piyesta. ehem ehem), dahil sa mga sakim, sa namamayagpag na kulturang emo.....
naitanong ko na ito sa iba kong mga kaibigan, habang ako'y inaantok at lulon sa ipinagbabawal na kabangagan. (bawal kasi wirdo ako pag bangag)
worth it pa ba sa 'pinas?
Wednesday, May 28, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment