Saturday, May 17, 2008

Maiksing maiksing kwento.

Isang *title* na ipinasa ko sa MPs10.
unang draft niya to kasi di ko mahanap yung final.
isip nga kayo ng magandang titulo. sige na. hehe.

*********************************


Kinaway niya ang asul na kinang ng kanyang mga kuko.
Palapit, napansin kong may kulay-kandilang mantsa sa kanyang puting blazer.
Pulapalakpak ang high heels, ika niya, Kape.
Tumango ako.

Hindi ito ang unang pagkakataon.

Inabutan niya ako ng kendi. Mapait.
Sinubukan niya akong akbayan, at sabi, ang ganda ng buwan ngayon.
Ngumiti ako.
Parang ganun.
Hindi pa buo ang buwan, sabi ko. Parang tinapyasan ng purol na kutsilyo.
At kagat labi, niyakap niya ako.
Parang ganun.

Nilunok ko ang kending nasa bibig, at pumikit.
Hindi rin naman ito ang unang pagkakataon.

Hinawakan ko ang kamay niya, at naglakad na kami papaalis.

No comments: