Ubo.
Ako ay umuubo.
Nagtatanong.
Naghihingalo.
Kumaripas ng takbo. Takbo lang.
Isa-isip ang kadiliman.
Kalangitan.
Umaapaw ng mga tala, tahimik.
O kay tahimik.
Isa-isip ang isang basahan, basa
At tumutulo.
Puno ng pawis, ng dugo.
Isa-isip ang tumatakbo.
Hubad.
Maitim.
Nag-iisa.
Isipin ang kalangitan.
Tahimik. O kay tahimik..
Sadyang masaklap ang kapalaran.
Isipin and salitang "May."
Ipares ito sa "Kapal."
Isipin si Bathala.
Isipin ang Diyos.
Isipin ang Kaniyang kamay na walang magawa.
Tak-tataktak-tak.
Isipin ang kanyang mga daliri. Nagsusulat.
Gumagawa.
Isipin ang salitang "martilyo".
Ipares sa "pako."
Isipin ang salitang "Paa, Mabigat."
Ipares sa "Langgam."
Ipares sa "Ipis."
Ipares sa "Bangkay."
Isipin ang kalangitan. Tahimik. O kay tahimik.
Maaaring ganito ang pagiging Diyos.
Maaaring "Ipis."
Ikaw ang husga.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
ah, hehe,
nakakatuwa naman toh.
i just cant get through the meaning of the poem,
i'm just too shallow for it,.
Post a Comment