Wednesday, November 12, 2008

May naintindihan na ako

Kagabi, habang naglalakad.
Habang naririnig ang mga yapak ng aking mga paa.
Habang ang tanging karamay ay ang mga taksil na punong humihikbi sa aking tabi.
Walang tala sa kalangitan, at ang buwan ay nagpapakipot ng ngiti, nagpaparamdam, nagtatago sa puting karagatan ng mga ulap, habang inaasam ko ang tamis na halik ng kanyang kabuoan.

Habang yakap ang hangin, may narealize ako.
Parang mga mahihinang mga pitik na unti-unting nagbukas ng aking isipan.
Napagtanto ko ang mga bagay-bagay, at may narealize ako.

Pero hindi ko sasabihin.
Tanungin mo ako. Bukas, mamaya, pag napusuhan mong tanungin nga ako.

Tungkol dito, tungkol sa a( )in.
At maaari, maaaring sagutin ko.
At maaaring hindi.

Depende.

No comments: